Pangkasiglahang aktibidad isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Tapaz, Capiz

TAPAZ, Capiz (Eagle News) – Naging matagumpay ang isang aktibidad pangkasiglahan ng Iglesia Ni Cristo sa Bayan ng Tapaz, Capiz na tinawag nilang “Tapaz Day”. Isinagawa ito noong Martes, November 1, 2016 sa Tapaz Civic Center. Ang maghapong aktibidad ay nadulot ng kasiyahan sa mga dumalong miyembro ng INC kasama ang mga umaanib pa lamang dito (sinusubok at doktrina).

Sinimulan nila ang programa sa ganap na 7:30 ng umaga sa pamamagitan ng Zumba. isinunod naman agad ang iba’t ibang parlor games, tulad ng:

  • Chinese walk
  • I-shoot mo!
  • Sack race
  • Tug-of-war
  • Hitting the pot
  • Kaya mo, kaya ko

Sabay sabay din nilang isinagawa ang pagkain ng panghalian. Pagkatapos ng pananaghalian ay isinagawa naman nila ang videoke singing at INC workshop.

Layunin ng nasabing aktibidad na lalong mapasigla ang mga miyembro ng INC. Bandang 4:00 ng hapon ay tinapos na nila ang programa sa pamamagitan ng isang sama-samang panalangin na pinangunahan ni Bro. Elias Angeles, ministro ng ebanghelyo.

(Emily G. Satunero – EBC Correspondent, Tapaz, Capiz)

02403aab-046d-452b-b3ea-aa45a04729a1

3589ceec-1764-436d-ada3-6e2139b8a4a5

ba6b0105-3dc8-49ff-b314-bf4b1909a619

c3b8b7f8-5e21-45da-86c3-73802725ab17

da5ce804-2f11-4b0c-872d-97a636aee12d

e3cb037e-6c98-4377-8897-36ebff1214d1

f6591cc0-4c74-4aae-9a7b-fecba5ba7839