25th Ormoc Flash Flood Commemoration isinagawa

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Dumating ang pamunuan ng Japan International Coorporation Angency (JICA) noong Biyernes, November 4, 2016 sa lungsod ng Ormoc. Ito ay upang daluhan ang ika-25 paggunita sa isang malagim na trahedya (flashflood) na nangyari sa lunsod noong Nobyembre 7, 1991 na ikinasawi ng mahigit kumulang 8,000 Ormocanon.

Ang JICA kailanman ay hindi malilimutan ng mga taga-Ormoc dahil isa ito sa naging kaagapay upang muli makabangon ang mga mamamayan ng lungsod sa matindig pagkalugmok. Pinarangalan at pinasalamatan ng mga Ormocanon ang JICA nitong Biyernes sa session hall ng Ormoc City sa pangunguna ni Mayor Richard I. Gomez. Malaki ang ginampanang papel ng JICA upang magkaroon ng matatag na dike bilang proteksiyon ng ilog na nasa pusod halos ng lunsod.

Kimberly Urboda – Ormoc City, Leyte

1d0a000b-e013-4528-a872-b196788402e7 2cab33a1-fd08-4c17-b1fa-e9a721b37702 7ec8bb0f-dcee-4254-a0ab-d9670bbc3280 22b05ccf-5ada-41d3-aef6-60307e52958b 17163b7a-874e-49ef-90ac-739f4d9939d9 881101e3-98f3-427c-bbe3-6ca7385993bc 36372423-0bbf-4538-ad83-2d1df6ef868f a4241521-1538-4758-8ce0-159ff8623c37 be6e212b-3181-4a12-a71f-634437c24fcf