ANGONO, Rizal (Eagle News) – Nagsagawa ng tree planting ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa baybayin ng Lakeside Park, WAWA ng Brgy. San Vicente, Angono, Rizal, noong Sabado ng umaga, November 5.
Layunin ng nasabing aktibidad na makatulong para mapangalagaan, ma-preserve ang kalikasan, at mapanatili ang kagandahan ng baybayin ng Lawa ng Laguna partikular sa Lalawigan ng Rizal. Pinangunahan ito ni Bro. Mayonel Taal, Rizal District Supervising Minister. Masiglang nakipagkaisa ang mga miyembro ng INC sa ginawang aktibidad. Ang kapisanan ng SCAN naman ang nangasiwa ng seguridad sa bahagi ng lawa.
Ang seedlings ng narra, akasya, at kawayan ang kanilang itinanim sa gilid ng lawa upang makontrol ang pagbaha at mapreserba ang kalikasan na nagdudulot ng sariwang hangin.
Dumating sa nasabing aktibidad si Angono Mayor Gerry Calderon sa isinagawang tree planting ng INC. Ayon sa kaniya, nagpapasalamat sila sa pagkakaisa ng INC upang mapaganda at mapanatiling malinis ang kapaligiran sa lawa.
Ayon naman kay Bro. Mayonel Taal, patuloy ang Iglesia ni Cristo sa ganitong pagtatanim ng mga puno, bilang pagsunod sa kampanya ng Pamamahala ng INC sa pangunguna ni Bro. Eduardo V. Manalo, Executive Minister ng INC na tumulong sa pakikiisa sa gobyerno upang pangalagan ang ating kalikasan.
Matapos ang tree planting ay masayang nagsalu salo sa isang boodle fight ang mga miembro ng INC.
(Eagle News Correspondents Jessie Benavides, Gil Alino, BG)