Senator Kiko Pangilinan bagong pangulo ng Liberal Party

MANILA, Philippines (Eagle News) — Itinalaga na bilang acting president ng Liberal Party si Senador Francis “Kiko” Pangilinan. Si Pangilinan ay pumalit kay dating Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya bilang pangulo ng partido.

Una munang nagsilbi si Pangilinan bilang Vice President ng Liberal bago naitalaga bilang bagong pangulo.

Malugod namang tinanggap ni Pangilinan ang pagkakahirang sa kaniya gayundin sa mga pananagutang kaakibat nito.