ROXAS, Palawan (Eagle News) – Naglunsad ng Training and Seminar for Wheelchair and Crutches Repair and Maintenance ang Persons with Disability Affair Office (PDAO). Pinamunuan ito ni PDAO Focal Person Angelyn Dadaeg, executive assistant on Social Services ng Municipal Social Welfare Development ( MSWD-PALAWAN ). Ang proyektong ito ng PDAO ay nasa ilalim ng Local Government Unit ng Municipal Office sa Bayan ng Roxas.
Layunin ng nasabing proyekto na maturuan ang participants na matutuhan nila ang pagkukumpuni ng sarili nilang wheelchairs. Itinuro din sa kanila ang tama at angkop na crutches na dapat nilang gamitin. Upang maiwasan ang mga hindi magandang epekto ng maling paggamit dahil makapipinsala din sa kanilang katawan kung wala silang sapat na kaalaman sa kanilang mga ginagamit. Ang participants ng nasabing workshops ang siya ding recipients ng wheelchairs and crutches na nagmula naman sa mga donor.
Ayon kay Dadaeg ay patuloy silang nangangalap ng donor na makatutulong sa kanila upang matugunan pa ang pangangailangan ng ibang mga may kapansanan na humihiling na mapagkalooban din sila ng libreng wheelchair.,
Mary Ann Ramos – EBC Correspondent, Roxas, Palawan