Tatlumpung araw na trabaho inialok sa mga residente ng Daliao, Toril, Davao City

TORIL, Davao City (Eagle News) – Dinagsa ang Daliao Gym, Daliao, Toril, Davao City ng mga gustong magkatrabaho kahit na pansamantala lamang. Sa dami ng tao ay aakalain mong may job fair sa nasabing lugar. Pero ito ay isang proyekto na tinatawag na TUPAD (Tulong Pangkabuhayan for Disadvantage Workers) na inilunsad ni Davao City 3rd District Congressman Albert Ungab sa pakikipagtulungan naman ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang nasabing programa ay naglalayon na mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mahigit 2,500 residente sa Toril District, Davao City. Sa loob ng isang buwan (30 days) ay magtatrabaho ang mga aplikanteng matatanggap at may sahod na 317 kada araw.
Ayon kay May Nadine Albores, staff sa opisina ng Congressman, malaking tulong aniya ito para sa mga naghahanap pa ng trabaho.  Pandagdag sa budget pa rin nila para sa nalalapit na holidays. Tinatayang mahigit kumulang 1,000 ang mga taong mag-umpisa ng magtrabaho sa araw na ito, Biyernes, November 11, 2016.
Inaasahan na dadami pa ang mga proyektong gaya nito para makatulong sa mga mamamayan na nangangailangan.
Noreen Ygonia – EBC Correspondent, Daliao, Toril, Davao City

0e774a1c-4e25-4188-8835-e621e0227b20

3d3dfc17-681e-41ec-baa2-87aa1a96f92d

4cd2d6ac-fa28-4850-b83e-47ee43dd9b8c

9a986196-22f6-4a65-be16-302be97498de

ae38db46-65a0-4439-8580-3e771ea7108d

ca38dff9-5127-4146-9623-db2dd061c329

d4d825e4-a0ff-452f-881c-8fba1b68a649

f6e5cd83-a93d-4862-ad09-ef7bf5a58ae6