Clean up drive isinagawa ng mga miyembro ng SCAN International sa coastal area ng Butuan City

BUTUAN CITY, Agusan del Norte (Eagle News) – Nagsagawa ng clean up drive ang Society Of Communicators and Networkers o mas kilala sa tawag na SCAN International, isa sa kapisanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Ito ay isinagawa sa coastal area ng Masao, Butuan City Agusan Del Norte noong Biyernes, November 11, bandang 8:00 ng umaga ng sinimulan nila ang paglilinis.

Masigla at masayang makipagkaisa ang mga miyembro ng kapisanang SCAN sa nasabing aktibidad. Nasa halos isang kilometro rin ang haba ng nilinis nilang baybaying dagat. Hindi alintana ng mga sumama ang init at pagod makatulong lamang sa pag-iingat ng ating kalikasan.

Sa kanilang ginawa ay nakapagbigay sila ng magandang halimbawa sa komunidad na pahalagahan ang pananatili ng kalinisan ng kapaligiran.

Marco Ocon – EBC Correspondent, Agusan del Norte

5c9ecfdb-8180-4415-ba2f-b8395b23e729