BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Sa Surigao Del Sur ay binisita ng kapulisan ang mga Pampublikong Paaralan na kanilang nasasakupan kaugnay sa pagdiriwang ng “24th National Children’s Month”. Ito ay may temang “Isulong Kalidad na Edukasyon para sa lahat ng Bata”.
Nakipagdaialogo din ang kapulisan sa mga estudyante, guro at maging mga staff ng mga Pampublikong Paaralan. Dito ay tinalakay nila at ipinaalam ang mga karapatang pantao ng bawat bata, tulad ng anti- bullying act at crime prevention tips na may kaugnayan sa pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030.
Pagkatapos ng pakikipagdayalogo ay isang feeding program ang ipinagkaloob sa mga bata kasabay din ng pamimigay ng lapis bilang suporta ng ating kapulisan sa adbokasiyang ‘one million lapis’. Ipinamigay din sa mga guro at estudyante ang isang 24/7 alert hotline sticker na maaari nilang tawagan sa panahon ng emergency. Tiniyak naman ng mga Pulis ang mabilis nilang pagresponde.
Issay Daylisan – EBC Correspondent, Bislig City, Surigao del Sur