TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Sinimulan na ang bagong programa ng Provincial Public Safety Company (PPSC) na tinatawag nilang “PPSC Pangkabuhayan Project” bilang pagtulong sa mga reformist o drug surrenderees.
Ngayong araw ng Lunes, November 21 ay sinimulan ng linisin ng mga reformist ang bakanteng lupa ng PPSC upang pagtaniman ng iba’t-ibang klase ng gulay. Bukod sa dagdag na pagkakakitaan, magiging abala rin ang kanilang kaisipan at mafo-focus ito sa lalong ikasusulong sa kanilang ganap na pagbabago.
Sa mga susunod na linggo ay magkakaroon ng training tungkol sa bartending at waitress seminar ang bawat reformist. Ito ay isasagawa sa PPSC, Camp Narciso, Tayug, Pangasinan. Pagkatapos ng seminar ay magkakaroon naman ng On-the-Job Training ang mga piling reformist. Pagkatapos ay tutulungan sila para sa kanilang employment.
Makikinabang sa nasabing proyekto ang buong reformist ng 6th district PPSC-Tayug, Pangasinan.
(Juvy Barraca – EBC Correspondent, Tayug, Pangasinan)