Postal Office ng Bislig City, Surigao del Sur ninakawan

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Matapos pagnakawan ang mga pampublikong paaralan sa Bislig City, ngayon ay pati Postal Office ng nasabing lungsod ang pinasok na rin ng mga magnanakaw.

Itinawag sa Philippine National Police (PNP-Bislig City) ni David Guillen Davis, driver courier, ang nangyaring nakawan sa nasabing opisina.

Natangay ng mga suspek ang sumusunod:

  • 1 Acer computer monitor
  • 1 unit ng CPU flare
  • 1 Lenovo Netbook na nagkakahalaga ng halos P30,000.00

Ayon sa mga awtoridad isang long nose flier ang ginamit para makapasok sa bintana ang mga suspek na nasa ikalawang palapag ng opisina. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Bislig City PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

(Issay Daylisan – EBC Correspondent, Bislig City, Surigao del Sur)