Weather update: Bagyong Marce nararanasan na sa Bislig City, Surigao del Sur

98eae666-e824-45d5-8e67-8e3f4042283e

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Kasalukuyang nararanasan sa Bislig City, Surigao del Sur ang Bagyong Marce.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang Bagyong Marce ay nasa 240 km east north ng Surigao del Sur. Napanatili nito ang lakas na 45kph malapit sa gitna at may pagbugso o gustiness na 55kph tinatahak ng Bagyong Marce ang dereksyong west at north west sa bilis na 17kph.

Idiniklara nang signal number 1 ang mga sumusunod na probinsya:

  • Surigao del Norte
  • Siargao Island
  • Surigao del Sur
  • Agusan del Norte
  • Agusan del Sur
  • Misamis Oriental
  • Camiguin island

Kinansela na rin ang klase sa elementarya sa lahat ng pampublikong paaralan sa Bislig City at sa mga karatig bayan nito. Dahil rin sa magdamag na pag-ulan ang ilang bahagi ng Surigao del Sur ay nakakaranas na ng mga pagbaha.

Pinagbabawalan munang pumalaot ang mga maliliit na bangkang pangisda dahil sa bagyo. Pinaaalalahanan naman ang publiko na maging handa at laging umantabay sa mga sususnod na weather forecast ng PAG-ASA Hinatuan.

(Issay Daylisan, EBC Correspondent, Bislig City, Surigao del Sur)