URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) -Matagumpay na naisagawa ng Iglesia Ni Cristo sa silangang bahagi ng Pangasinan ang aktibidad na INC Life. Isinagawa ito sa Urdaneta City University Gymnasium, Urdaneta City, Pangasinan noong sabado, November 26, 2016.
Layunin ng aktibidad na maipakita sa publiko kung paano nagsimula ang INC na ngayon ay nakalatag na sa iba’t-ibang panig ng daigdig. Dito ipinakita ang pagtatagumpay ng INC sa pamamagitan ng mga larawan at video presentations ng iba’t-ibang gawain na isinagawa na at maging ang kasalukuyan pang mga aktibidad nito.
Dinaluhan ito ng miyembro at hindi pa kaanib sa loob ng INC na mula pa sa iba’t-ibang bahagi ng silangang bahagi ng lalawigan. Ang ilan sa nakitang dumalo ay ang isang pastor ng Protestante na si G. Jimmy Parungao na nagmula pa sa Bayan ng Tayug, Pangasinan. Si G. Parungao ay 15 taon nang pastor sa kaniyang kinabibilingan relihiyon. Ayon sa kaniya, nakamamangha aniya ang mabilis na paglago ng INC. Marami na rin aniya ang natutulungan nito hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibayong dagat. Ito aniya ang kaniyang kauna-unahang pagkakataon na makadalo sa pagtitipon ng INC. Patuloy pa aniya siyang magsasaliksik ukol dito.
Ayon naman kay Bro. Nelson H. Mañebog, District Minister ng Pangasinan East, ang nasabing aktibidad ay may kaugnayan din sa aktibidad ng INC na “Ikinararangal ko na Ako ay Iglesia Ni Cristo”.
Rusell Failano – EBC Correspondent, Urdaneta City, Pangasinan