Modernong pasyalan at palaruan sa Tacloban pormal na binuksan

TACLOBAN, Leyte (Eagle News) – Pormal ng binuksan sa publiko ang modernong pasyalan at palaruan para sa mga mamamayan partikular na sa mga kabataan na may traumatikong karanasan at alaala dulot ng Super Typhoon Yolanda. Layunin nitong  malunasan ang malungkot na nakaraan at magkaroon ng uli na panibagong alaala.

Sa loob lamang ng pitong buwan ay natapos ang nasabing proyekto kasama na ang pagplano sa Tacloban Astrodome Playground. Pinondohan ito ng World Vision katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Tacloban City sa ilalim ng Typhoon Haiyan Response Hope.

Ang palaruang ay eco-friendly na nagliliwanag tuwing gabi sa pamamagitan 100 LED lamps. Ito ay may sukat na 6,000 sq.m na pinalilibutan ng 153 na iba’t ibang uri na mga punongkahoy katulad ng macopa, mangga, mangosteen, lanzones, rambutan at iba pa. Ayon kay World Vision Design Consultant Grace Nadal Casal, ang mga bunga ng nasabing puno ay maaaring matitikman ng mga children survivor pagdating ng panahon.

Kaya ang payo ng Lokal na Pamahalaan ng Tacloban ay ingatan at alagaang mabuti ang bagong pasyalan at palaruan para sa susunod pang henerasyon.

Vicky Wales – EBC Correspondent, Tacloban

1e776675-d38a-4689-b977-562a23edf34c

4cd5ed20-cb91-4d96-b4c7-284ea53e5444 94fd9bac-1da9-48d8-b734-e428391b4e33

73232110-5591-4793-b10d-4e76f2ff04a0

ddb5878f-0998-4c0c-8ce4-447457487184