Coastal Clean Up Drive sa Puerto Princesa isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo

6c898c4a-5cc7-4123-8dbc-db951d1f1e6b

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Maaga pa lamang noong Miyerkules, November 30, 2016 ay nagtungo na ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa isang barangay ng Puerto Princesa, Palawan upang isagawa ang Coastal clean up drive.

Ayon kay Bro. Marlon Marcelo, Ministro ng ebanghelyo, isinasagawa nila ang ganitong aktibidad upang panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng coastal area. Pakikipagkaisa din aniya nila ito sa pananawagan ng Pamamahala ng INC na ipagmalasakit ang kapakanan ng kalikasan.

Ayon naman kay Mark Rambonga, residente ng nasabing lugar at empleyado ng lokal na pamahalaan, natutuwa siya sapagkat hindi lamang ang pamahalaang lokal ng Puerto Princesa ang nagtataguyod ng ukol sa kapakanan ng kalikasan kundi maging ang mga kaanib sa INC. Dagdag pa niya na nakikita na niya at naririnig ang maraming civic action movements ng INC sa pangunguna ni Bro. Eduardo V. Manalo, INC Executive Minister ng INC.

Masaya naman ang mga naninirahan sa nasabing barangay at nagpasalamat sila sa kapatiran ng INC sa Palawan sa ginagawang pag iingat sa kalikasan.

Art Abaca – EBC Correspondent, Palawan

8ca5e138-7ae6-40f2-895b-4de500a32381

9a51120e-970e-422e-9cd0-33ebb45e7cee

9209d835-416c-4a33-8bb4-3deda3f9595f

63049491-2075-41c9-b96e-fcaf751a6948

f4c5841e-2133-48bb-863d-2c3ebd293c5a