PNP Carmen, Surigao del Sur patuloy sa pagsasagawa ng Barangay visitation

711a3657-47d5-49e4-8af4-b47ab57cd660

CARMEN, Surigao del Sur (Eagle News) – Patuloy na isinasagawa ng mga kapulisan sa Bayan ng Carmen, Surigao del Sur ang kanilang barangay visitation. Ito ay may kaugnayan pa rin sa ikinakampanya kontra iligal na droga.

Binisita nila ang Barangay Puyat at naabutan nila ang mga senior citizen na katatapos lamang mag-meeting. Sinamantala naman ng kapulisan ang pagkakataon upang ipinaliwanag ang tinatawag nilang magic box na kung saan ay ilalagay sa nasabing kahon ang mga pangalan ng illegal drug personalites na kanilang nalalaman.

Sa ganitong mga aktibidad din ng kapulisan ay patuloy nilang ipinaaabot sa mga taga-barangay ang kahalagahan ng kanilang pakikipagkooperasyon upang masugpo at mapaglabanan ang mga suliranin ukol sa iligal na droga.

Dennis Revelo – EBC Correspondent, Surigao del Sur