ROXAS CITY, Capiz (Eagle News) – Mga batang lansangan sa Roxas City nakatanggap ng Php 2,000 mula sa Lokal ng Pamahalaan ng siyudad sa ilalim ng Educational Assistance Program ng City Social and Welfare Development Office.
Layunin ng ganitong programa ng lokal na Pamahalaan na mabigyang pansin at matulungan ang pangangailangan ng mga batang lansangan. Ang ilan sa mga bata ay naghahanapbuhay para lamang makapag-aral. Nakatanggap ng tig Php 2,000.00 ang 50 benepisiyaryo ng nasabing programa na mula pa sa iba’t ibang barangay ng siyudad.
Malaki naman ang pagpapasalamat ng mga magulang sa Kay Roxas City Mayor Alan Anghel Celino, kay City Councilor Julius Abela, at sa City Social and Welfare Development Office sapagkat nabigyang pansin ang pangangailangan ng nila.
Nathaniel Flores – EBC Correspondent, Capiz