SAN NICOLAS, Pangasinan (Eagle News) – Pinangunahan ng mga guro ang isinagawang blood letting activity sa San Nicolas West Elementary School, San Nicolas, Pangasinan nitong Biyernes, December 2.
Ayon kay Ginoong Rudolf Tan, District Nurse, ang blood letting na ito ay hindi lamang sa San Nicolas isinagawa kundi may isang grupo din aniya sa Pozorrubio, Pangasinan. Dalawang beses aniya nila ginagawa ang blood letting sa isang taon para mapunuan ang kakulangan at pangangailangan ng dugo.
Dagdag pa niya, ang lean months na kung saan panahon na kakaunti ang mga dugo sa mga blood bank kaya nagsasagawa sila ng ganitong mobile blood donation. Ito aniya ay proyekto ng Department of Education (Deped) na kung saan kahit hindi guro ay maaaring mag-donate ng dugo.
Juvy Barraca – EBC Correspondent, San Nicolas, Pangasinan