Mayor Sara Duterte maayos na ang pagbubuntis

Photo courtesy: Armando Baricuatro Fenequito, Jr.
Photo courtesy: Armando Baricuatro Fenequito, Jr.

DAVAO CITY (Eagle News) – Maayos na ang pagbubuntis ni Davao City Mayor Sara Duterte, ito mismo ang kaniyang ipinahayag sa isang interview. Ayon sa alkalde, umiinom siya ng mga gamot para sa komplikasyon ng kaniyang pagbubuntis.

Matatandaan na matapos ang Roxas night market bombing noong Setyembre sa Davao, ipinahayag ni Mayor Sara na namatay ang dalawa sa tatlong bata na ipinagbubuntis niya. Pinayuhan din siya ng kaniyang mga doktor na magpahinga muna.

Ilang araw lamang nagpahinga ang alkalde at balik ulit sa trabaho. Nagpakita naman ng suporta ang Davaowenyo at pinayuhan si Sara na mag-ingat at huwag masyadong magpapagod alang-alang sa kaniyang ipinagbubuntis.

Saylan Wens at Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City