Tanging Pagtitipon at Panunumpa, sabay-sabay na isinagawa sa Distrito ng Compostela Valley

Sabay-sabay na nagdaos ng Tanging Pagtitipon ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo mula sa apat na lokal sa Distrito ng Compostela Valley, nitong Sabado, Disyembre 2 sa ganap na ika-ala sais ng gabi

Masiglang nakipagkaisa at tumugon ang lahat ng mga kapatid at maytungkulin sa panawagan ito na maaga pa lamang ay kanila nang pinaghandaan. Ginanap ang nasabing pagkakatipon sa apat na areas ng kanilang distrito, ito ay ang mga lokal ng Nabunturan, Mawab,  Compostela at lokal ng Monkayo.

Ang nasabing pagtitipon ay pinangasiwaan ni Kapatid na Phil Campos Sr., ang Tagapangasiwa ng Distrito.

15310317_371839166497937_421882420_n

Si Kapatid na Marvin Barrion, II-Tagapangasiwa ang nanguna sa Lokal ng Mawab (Area 2).

Ang pagkakatipon naman sa Lokal ng Compostela (Area 3) ay pinangasiwaan ni Kapatid na Felix Villabrille, ang KSKP ng Distrito.

Samantala, sa lokal naman ng Monkayo (Area 4) pinangunahan naman ito ni Kapatid na Abraham Lumawig, Kalihim ng Distrito.

Matamang nakikinig ang lahat ng mga kapatid at maytungkulin sa INC sa mga Salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia at sa mga pagpapayo. Bago matapos ang Tanging Pagtitipon ay sama-sama ang lahat na tumanggap ng tungkulin at nanumpa bilang mga Misyonero at Misyonera upang lalo pang makapag-akay ng mga panauhing makikinig at magsusuri sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

“Sa pamamagitan po nito ay aming maipapakita, kasama ang aking buong sambahayan ang aming lubos at buong-pusong pagsunod at pagpapasakop sa Pamamahala ng INC sa pamamagitan ng mga aktibidad na kanilang inilulunsad. At ito po ay sa lalo pang ikalalakas at ikatitibay ng aming pananampalataya” pahayag ng isang masiglang maytungkulin.

Ang isa pa sa naging highlight ng Tanging Pagtitipon ay ang pagbibigay ng sertipiko ng pagkilala sa mga natatanging kapatid na buong-pusong nagpagamit ng kanilang mga tahanan upang pagdausan ng mga Gawain at Pamamahayag at maging sa mga kapatid na nagpahiram ng kanilang mga personal na sasakyan upang magamit sa panunundo ng mga akay upang sila ay mapasamba.