“Panata sa Karapatang Pantao” isinagawa sa Camp Panacan, Davao

851516843_134191_13358650504317090601

DAVAO CITY (Eagle News) – Nakipag-kaisa ang Eastern Mindanao Command (EMC) sa commemoration ng Human Rights Consciousness Week 2016 sa pamamagitan ng recitation ng “Panata sa Karapatang Pantao” ng lahat ng military personnel ng EMC at Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) na isinagawa sa Naval Station Felix Apolinario, Camp Panacan, noong Lunes ng umaga, December 5.

Pinangunahan ito ni Colonel Gilbert I. Gapay, bagong Deputy Commander at Chief ng Human Rights Office ng EMC. Pinalitan ni Gapay si BGen Ronnie S Evangelista ng AFP at concurrent commander ng Joint Task Force Harribon, at nag assume bilang bagong commander ng Civil Relations Service.

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City