BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng sampling at testing ang Regional Bantay Asin Task Force (RBATF) ng Bislig City sa mga ibinebentang iodized salt sa Mercado kamakailan. Pinangunahan ito ng Regional at City Nutrition Council.
Ayon sa isinasaad ng RA 8172 o asin law, ikinakampanya ang paggamit ng iodized salt sa buong bansa. Nakapagbibigay aniya ito ng malaking kontribusyon upang maiwasan ang Iodine Deficiency Disorder (IDD ).
Nakapaloob din sa 10 commandments ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng iodized salt ay may benepisyong dulot para sa mga buntis, sa utak o pag iisip ng tao, dagdag iodine sa katawan at maiiwasan ang mga sakit katulad ng goiter, squint o pagkaduling, spontaneous abortion, at still births.
Ipinapayo ng Nutrition Council na tingnan kung FDA licensed ba ang binibiling iodized salt sa merkado at kung nakakasunod ba ito sa pamantayan ng required iodine content ng FDA.
Issay Daylisan – EBC Correspondent, Bislig City, Surigao del Sur