Plano ng CHED na Degree Program para sa agriculture, pinuri

MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinuri ni Senadora Cynthia Villar ang plano ng Commission on Higher Education (CHED) na magkaroon ng tatlong taong (year) degree program para sa agrikultura at hikayatin ang mga anak ng magsasaka sa pagtatanim.

Nagsagawa na rin ng kumperensya ang Ched para himukin ang mga paaralan na lumikha ng extension projects para maging malapit ang mga guro at scientists sa mga komunidad.

Ayon kay Villar, sa ngayon ang mga magsasaka ay may average na edad na  limampung taon (50) at kailangan nang ipaunawa sa mga kabataan na magkaroon ng interes sa pagsasaka.

Sa ilalim ng panukala, tuturuan muna ng farming-related theories ang mga estudyantye sa unang taon.

Ang ikalawang taon naman ay magiging bahagi ng kanilang on-the job training at ang ikatlong taon ay research o thesis na nakatuon sa agricultural entrepreneurship.

https://youtu.be/PyfrCN1eZ-0