Sec. Manny Piñol, nagsauli ng regalong mamahaling relo

MANILA, Philippines (Eagle News) — Isang mamahaling Rolex watch ang isinauli ni Agriculture Secretary Manny Piñol. Ayon sa kalihim, natanggap nito ang nasabing regalo mula sa isang mataas na opisyal ng isang malaking Agriculture Company.