URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Ipinaliwanag ni Police Superintendent Marceliano Desamito, Jr., Hepe ng Urdaneta City PNP ang isinasagawa nilang pagpapatupad ngayon ng security measures sa lungsod. Ayon sa kaniya, tinitiyak lamang ng kanilang departamento na mapanatiling mapayapa ang buong lungsod sa pagtutulungan ng police personnel, mga on-the-job training mula sa iba’t ibang colleges sa buong lungsod, at mga reservist .
Dagdag pa niya, dagsa ngayon ang mga tao sa lungsod lalo na at holiday season. Maaari aniyang may magta-take advantage na mga mandurukot at mga salisi kaya sinisikap nila na maprotektahan ang mga mamamayan sa buong lungsod at maging ang mga dayuhan na bumibisita sa kanilang lugar.
Ang PNP-Urdaneta ay may pitong Police Community Precinct na matatagpuan sa sumusunod na barangay:
- Casantaan
- Nancayasan
- Anonas
- San Vicente
- Camantiles
- Nancalobasaan
- Pinmaludpod
Ang mga ito ay katuwang sa pagpapatupad sa seguridad sa buong lungsod.
Rusell Failano – EBC Correspondent, Urdaneta City, Pangasinan