DOST namahagi ng 6 na “STARBOOKS” sa mga paaralan sa Tungawan, Zamboanga Sibugay

TUNGAWAN, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Anim na unit ng Science & Technology Academic and Research-Based Openly Oriented Kiosks (STARBOOKS) ang ipinamigay ng Department of Science and Technology (DOST) sa mga paaralan ng Bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay. Isinagawa ang turnover ceremony at orientation ng STARBOOKS sa pangunguna ni Brenda Nazareth- Manzano, Regional Director ng DOST kamakailan.

Ayon kay Manzano, ang STARBOOKS ay ang kauna-unahang digital library sa Pilipinas. Bawat unit ay may 360 gigabytes. Naglalaman ito ng mga video at mga presentasyon tungkol sa Science and Technology, Livelihood Technology, at Resource Materials ng mga estudyante.

Pang-apat na ang bayan ng Tungawan sa nakatanggap ng nasabing mga gamit. Ayon pa kay Manzano, bagama’t isang STARBOOKS lang ang binibigay nila sa mga bayan, pinili nila ang Tungawan na bigyan ng anim sapagkat ka-partner ng DOST ang nasabing bayan sa proyektong “community empowerment” kung saan oobserbahan ang magiging transpormasyon ng isang komunidad sa pamamagitan ng pagbuhos ng proyekto dito.

Buong-galak naman nagpasalamat si Mayor Carlnan Climaco sa bagong proyektong inihandog ng DOST sa bayan ng Tungawan.

Jen Alicante – EBC Correspondent, Zamboanga Sibugay

5e3040d3-d7f2-4845-af97-3cf5f0b9a733

7bd55845-da0f-4d48-a89b-af52d367d70e

50ac50f9-da77-495b-b164-fa3a9e83a36d

807ac9c3-ad78-4b8d-90d6-bcc0a763be74

ca592016-cb40-4b81-b27e-4032b93ee56a