Dump truck sumabit sa kable ng kuryente

IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Sumabit sa kawad ng kuryente ang likurang bahagi ng isang dump truck sa Bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Nangyari ang naturang insidente nitong Biyernes ng umaga, December 9.

Sa imbestigasyon napag-alaman na nagkamali ang driver ng dump truck dahil sa halip na kumambyo ito ay tumaas ang gawing likuran ng nasabing sasakyan kaya sumabit sa kable ng kuryente. Dahil sa pangyayari ay hindi muna pinadaanan ang national highway sa gawing Lower Ipil Heights papuntang Zamboanga del Norte upang matiyak na walang motoristang madadamay sa naturang insidente. Gumamit muna ng ibang ruta ang mga motorista sa loobang bahagi ng Barangay Tirso Babiera sa loob ng ilang oras upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.

Walang namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente. Sa kasalukuyan ay nanatili namang maayos ang daloy ng kuryente sa mga kabahayan na malapit sa pinagyarihan.

Jen Alicante – EBC Correspondent, Zamboanga Sibugay

2b709387-8ea0-454a-b183-8658e15f4572 27c351e5-77a3-4b40-b94f-3de5bfacd432 34c24168-8448-4b29-b2c5-254c91f1315e 84a5d329-4207-4b2d-a176-556236642d32