DINGALAN, Aurora (Eagle News) – Napagkalooban ng libreng serbisyong medical, libreng consultation at check-up, at libreng gamot ang mga mamamayan sa Brgy Ibuna, Dingalan Aurora. Ang programang ito ay sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Dingalan, Municipal Health Office, Deseret Mabuhay Foundation, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Public Health Office. Sa ganitong paraan ay inilalapit na ng lokal na pamahalaan ang tulong medical sa mga kababayang nasasakupan nito upang higit na mapangalagaan ang kanilang kalusugan.
Samantala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ay nagbigay ng Modified Conditional Cash Transfer sa mga katutubo na naninirahan sa bayan ng Dingalan. Ito ay tulong pinansyal sa kanila ng pamahalaan. Dagdag pa dito, ang Municipal Agriculture Office ay namahagi ng binhi sa mga magsasaka sa Brgy. Umiray upang mayroon silang maitanim sa kanilang bukid.
Labis naman ang pagpapasalamat ng mga Dingaleño sa pagtulong na ito ng iba’t ibang sangay ng Pamahalaan para sa kanilang kapakanan.
Eman Celestino – EBC Correspondent, Dingalan, Aurora