(Eagle News) — Ipinagmalaki ni Department of Tourism (DOT) undersecretary Ronaldo Alan Canizal ang patuloy na pagtaas ng tourist arrival sa bansa.
Ayon kay Canizal, pinakamaraming dayuhan na bumisita sa bansa ay mula sa Korea, Amerika, China, Japan At Australia.
Umabot na rin sa P178 billion-pesos ang naging income ng bansa mula sa nasabing mga turista mula pa noong Enero hanggang sa kasalukuyan.
Target din ng DOT na umabot sa 6 million ang tourist arrival hanggang sa pagtatapos ng taon.
https://youtu.be/rAgSeXf9Kn4