TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Nagsagawa ng Lingap-Pamamahyag ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Tayug, Pangasinan noong Biyernes (Diyembre 9) ng gabi. Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga Salita ng Diyos. Pagkatapos ng pagtuturo ay namahagi naman sila ng goody bags na may lamang bigas, noodles at delata.
Ayon kay Gng. Florinda Nesperos, isa sa naging panauhin na nabigyan ng goody bag, nagpapasalamat siya dahil may ogranisayong pangrelihiyon na tulad ng INC na tumutulong sa mga nangangailangan.
Ayon naman kay Bro. Silvestre Velasco, ministro ng ebanghelyo ay patuloy silang magsasagawa ng ganitong aktibidad bilang pakikiisa sa panawagan ng Pamamahala ng INC sa pangunguna ni Bro. Eduardo V. Manalo, INC Executive Minister na labanan ang kahirapan.
Ang Lingap Pamamahayag ay nasa ilalim ng Felix Manalo Foundation. Isang foundation na tumutulong sa mga nangangailangan sa panahon man ng sakuna o kahirapan.
Juvy Barraca – EBC Correspondent, Tayug, Pangasinan