Run Against Illegal Drugs matagumpay na naisagawa sa Tabango, Leyte

TABANGO, Leyte (Eagle News) – Sa pangunguna nina Tabango Mayor Bernard “Benjo” Remandaban at Leyte 3rd District Board member Hon. Maria Corazon Remandaban ay matagumpay na naisagawa ang “Run Against illegal Drugs (RAID)”. Isinagawa ito sa bayan ng Tabango, Leyte noong Linggo, December 11, 2016.

Ayon kay PSI Darwin Dalde, Chief of Police ng Tabango, humigit kumulang sa 1,000 ang lumuhok sa 5 kms at 10 kms run. Unang lumahok aniya sa nasabing aktibidad ang mga drug surrenderees. Nakipagkaisa rin ang DepEd Tabango, mga estudyante, LGU, PNP, at maging mga pribadong sektor ang aktibo sa seryosong kampanya ng Tabango kontra sa droga.

Namahagi ang PNP ng 50 finishers t-shirt at mayroon ding cash prizes na ipanamahagi sa 1st – 3rd placers. Bago natapos ang nasabing aktibidad ay nanumpa ang mga lumahok na sila ay tutulong na magmasid, magbabantay sa kanilang paligid at magpaparating sa mga awtoridad ng anumang masumpungang aktibidad o transaksiyon na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.

Joan C. Sanglitan – EBC Copprespondent, Tabango, Leyte