Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Sta. Maria, Pangasinan

3ab92a97-0dba-4acb-809d-214ad9dc1d1d

STA. MARIA, Pangasinan (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos sa Public Plaza ng Sta Maria, Pangasinan nitong Lunes, December 12.

Masaya at masigla itong dinaluhan ng mga miyembro ng INC kasama ang kanilang mga inanyayahang mga panauhin na mula pa sa iba’t-ibang lugar ng Sta. Maria at mga karatig bayan nito.

Pinangunahan ni Bro. Nelson H. Mañebog, District Supervising Minister ng Pangasinan East ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia. Tinalakay niya ang ukol sa kahalagahan ng pagpasok sa tunay na Iglesia at ng kaparaanan sa ikaliligtas pagdating ng araw ng paghuhukom. Itinuro naman ni Bro. Levi Castro ang tungkol sa tunay na Diyos at ang kahalagahan ng paglilingkod sa Kaniya.

Tinatayang humigit kumulang na 5,000 katao ang dumalo sa nasabing pagtitipon. Kabilang sa mga dumalo ng panauhin ang mga professional at mga namumuno sa nasabing bayan. Ang aktibidad ay bahagi ng pakikiisa ng mga kaanib sa nasabing lalawigan ukol sa kilusan ng INC sa kasalukuyan para sa ikapagtatagumpay ng lahat ng mga aktibidad sa loob ng Iglesia.

Jem Miranda, Juvy Barraca, at Rusell Failano – EBC Correspondent, Sta. Maria, Pangasinan