Libreng baka na aalagaan, ipinamahagi ng Provicial Government ng Nueva Ecija

BONGABON, Nueva Ecija (Eagle News) – Pinangunahan ng Provincial Government ng Nueva Ecija ang pamamahagi ng libreng aalagaang baka sa mga mamamayan ng Bongabon at Gabaldon. Katuwang nila ang Provincial Veterinary Office at Lokal na Pamahalaan ng Bongabon at Gabaldon. Isinagawa ito noong Martes ng umaga, Disyembre 13, 2016.

Nasa 195 mga baka ang kanuuang naipamahagi sa mga mamamayan sa naturang mga Bayan. Layunin nito ay upang bigyan sila ng ayuda partikular ang mga nasalanta ng kalamidad sa nakaraan. Ang beneficiaries ay may nilagdaang kasunduan na hindi nila maaaring katayin o ibenta ang mga baka. Kailangan nilang pagsumikapan na paramihin ito upang makatulong sa kanilang kabuhayan.

Labis naman ang kaligayahan at pagpapasalamat ng mga nabiyayaan sa naturang programa ng gobyerno.

Eman Celestino – EBC Correspondent, Bongabon, Nueva Ecija