STO. TOMAS, Pangasinan (Eagle News) — Upang lalong mapangalagaan ang kalusugan ng mga Ministro at Evangelical workers ng Iglesia Ni Cristo sa Pangasinan East, nagsagawa ng EVM Cup ang mga kaanib ng INC na ginanap sa public auditorium ng bayan ng Sto. Tomas sa nasabing lalawigan.
Masayang binuksan ang aktibidad sa pamamagitan ng parada ng mga manlalaro na kinabibilangan ng mga ministro at evangelical workers mula sa apat na sub-districts.
Nagbigay din ng mensahe ang District Supervising Minister ng Pangasinan East na si Brother Nelson H. Manebog. Ayon sa kaniya, layunin ng ganitong aktibidad na lalong mapasigla hindi lamang ang mga ministro at evangelical workers kundi maging ang mga kaanib. Isa rin umano itong kahayagan ng pakikipagkaisa sa mga aktibidad na panukala ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.
Itinanghal na champion ang Rosales Sub District at 1st Runner Up naman ang Pozorrubio Sub District. Naging Most Valuable Player naman ang Deputy District Supervising Minister na si Kapatid na Almario Elepaño, Kapatid na Federico Soberano at Kapatid na Adriel John Gante.
(Eagle News Correspondents Raff Marquez, Peterson Manzano)