Libreng dental mission na may temang “Ngiti Mo, Sagot Ko,” isinagawa sa Pangasinan

STO. TOMAS, Pangasinan (Eagle News) — Mahigit apat-na-raang mga bata ang nakinabang sa isinagawang libreng dental-check up ng Philippine Dental Association-Pangasinan Chapter at lokal na pamahalaan ng Sto. Tomas, Pangasinan. Ang nasabing programa ay may temang “Ngiti Mo, Sagot Ko.”

Bukod sa libreng serbisyo, sumailalim din sa oral health education ang mga bata sa pangunguna ni Dra. Liza Codilla, presidente ng PDA-Pangasinan Chapter.

Tumanggap din sila ng dental hygiene kit tulad ng sipilyo at toothpaste. Bukod dito, tumanggap din ang mga bata ng coloring book at pangkulay.

Nangako naman ang ahensya na magpapatuloy ang ganitong mga programa sa lugar upang matugunan ang pangangailangan sa dental health ng mga kabataan sa nasabing bayan.

(Eagle News Correspondents Raff Marquez, Peterson Manzano)

https://youtu.be/ioaNpIaPBq4