(Eagle News) — Magpapatupad na rin ng number coding scheme ang lalawigan ng Cavite.
Sa ilalim nito, hindi papayagang dumaan sa mga pangunahing kalsada ang mga sasakyan na ang plaka ay natatapos sa 1 at 2 tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 naman tuwing Biyernes.
Ipapatupad ang naturang traffic scheme simula ala 6:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 3:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.
Sakop ng bagong batas trapiko sa Cavite ang lahat ng pribadong sasakyan, trak at maging motorsiklo na dumadaan sa Aguinaldo Highway, Governor’s Drive, Molino – Salawag – Paliparan Road, Molino Boulevard at Daang Hari Road.
Inaantabayanan pa ang anunsyo kung kailan ang opisyal na pagpapatupad ng nasabing traffic scheme.