(Eagle News) — Hinikayat ng Bangko Sentral Ng Pilipinas (BSP) Iloilo Branch ang publiko na papalitan na ang kanilang mga lumang pera.
Paalala ni BSP-Iloilo acting Deputy Director Joanne Marie Castelo, hanggang sa Disyembre 31 na lamang ang deadline para sa pagpapalit ng lumang pera sa mga bangko at branch ng BSP.
Pagdating ng Enero 1 ng 2017, hindi na aniya ito maaaring papalitan at wala na rin itong value o halaga.
Ang bagong pera o banknotes na tatanggapin na lamang simula sa Enero ng 2017 ay iyong inilabas ng BSP simula noong 2010.
Sa bagong banknotes ay makikita ang mga sikat na Filipino figures at Natural Wonders ng Pilipinas.
Sinabi pa ni Castelo na ang lumang banknotes ay mas lantad sa pamemeke dahil na rin sa tagal na nito sa sirkulasyon.