Mga awtoridad nagsagawa ng Oplan Sita; flyers sa pag-iwas ng paggamit ng paputok ipinamahagi

MILAGROS, Masbate (Eagle News) – Nagsagawa ng Oplan Sita o Check Points at namahagi rin ng Flyers ang Philippine National Police (PNP) sa Milagros, Masbate. Pinangunahan ito ni PCInsp Leus Anselmo Prima.

Isinagawa nila ang ganito paraan upang paalalahanan ang mga motorista sa pag-iingat sa pagmamaneho. Namahagi rin ng flyers na nagpaaalaala sa pag-iwas ng paggamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon. Ito ay kampanya na rin ng mga awtoridad sa programang Project Barrel ng PNP.

Positibo naman ang naging pagtanggap ng mga tao ukol sa nasabing proyekto dahil ito anila ay para na rin sa kanilang seguridad.

(Eagle News Correspondents Romil Bibay, Shiela Judal)

photo_2016-12-27_14-39-28