Pyromusical para sa 2017 New Year’s Countdown sa Ciudad de Victoria, kasado na

MANILA, Philippines (Eagle News) –Kasado na ang isasagawang pyromusical para sa 2017 New Year’s Countdown dito Cuidad de Victoria ngayong hatinggabi

Ayon kay Erol Lucero show director ng platinum fireworks, tatagal ng tatlumpung minuto ang isasagawang “pyromusical”.

Bagaman mas maiksi daw ito ng tatlumpung minuto sa ginagawa noong nakaraang taon na nakasungkit ng largest fireworks display sa Guinness World Record, hindi naman daw basta basta ang ipalalabas nila mamayang gabi.

Bukod kasi sa kanang bahagi ng Philippine Arena, nag set up din sila ng fireworks sa mismong bubong ng arena na dapat daw talagang abangan ng mga manonood.

Sa kabuuan, aabot umano sa anim na libong shots ng ibat ibang uri ng “Pyrotechniques” ang gagamitin mamayang gabi na mabusising inilapat ng ibat ibang tugtugin.

Dagdag pa ni Lucero,sa mga kinontrata nilang New years countdown event ngayong gabi, ang “pyromusical” sa Cuidad de Victoria pa rin ang pinakamalaki at pinakamagarbong fireworks display na mapapanood ng publiko ngayong taon.