Mga nabiktima ng paputok sa Albay umabot sa 44

(Eagle News) – Umabot sa 44 ang naging biktima ng paputok sa Albay. Ito ay ayon sa huling datos ng Provincial Health Office ng Albay. Sa kabila ng pagsalanta ng Bagyong Nina sa lalawigan ng Albay at sa matinding kampanya ng Department of Health kontra paputok ay marami pa rin ang naging biktima ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon sa lalawigan.

Batay sa naitalang datos, ang Ligao City ang may pinakamataas na bilang ng biktima ng paputok na umaabot sa 16.  Pumapangalawa naman ang bayan ng Polangui, Albay na mayroong bilang na sampung biktima ng paputok. Mas mababa aniya ang bilang ng biktima ng paputok sa ngayon kung ihahambing sa bilang ng nabiktima ng paputok sa nakaraang taon.  Karamihan sa mga naputukan ay mga menor de edad.  Ang paputok na maraming nabiktima ay ang tinatawag na “Piccolo”.

 

Dennis Jardin – EBC Correspondent