DOTr, tiniyak na hindi sagabal sa trapiko 2016 Miss Universe

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na hindi maa-apektuhan ng 2016 Miss Universe Pageant ang daloy ng trapiko sa Metro Manila at ibang venue.

Ayon kay DOTr Spokesperson Cherie Mercado-Santos, makikipag-ugnayan silang mabuti sa Department of Tourism hanggang sa maka-uwi ang contestants.

Tiwala rin sila sa desisyon ng DOT na gawing magkaka-iba ang petsa at venue ng mga aktibidad para hindi maging sagabal sa trapiko.

Hindi rin magbibigay ng road schedule closures ang DOTr para sa pageant at mga aktibidad.

Magsisimulang dumating ang mga delegado ng Miss Universe sa January 7, subalit naka-schedule ang karamihan sa January 12 at 13.

https://youtu.be/SmsVUP33YsQ