(Eagle News) — Magpapadala ng karagdagang sea assets at mga tauhan ang Philippine Navy sa Naval Forces Western Mindanao para tumulong sa laban sa Abu Sayyaf Group at mapigilan ang serye ng pagdukot sa seafarers malapit sa Malaysian at Indonesian border.
Ayon kay Navy Flag-Officer-in-Command, Rear Admiral Ronald Mercado, tatlumpung (30) speedboats ang idedeploy upang tumulong sa AFP-Western Mindanao Command.
Magpapatrol ang karagdagang speedboats sa Tawi-tawi at Sulu kung saan kadalasang nagaganap ang mga kidnapping incident.
Sa kasalukuyan ay mayroon pang dalawamput anim (26) na bihag ang bandidong grupo kabilang ang anim na Filipino.