12 hour operation ng BOC sa ilang pantalan sa bansa simula na

MANILA, Philippines (Eagle News) — Sinimulan na ng Bureau of Customs (BOC)  ang dose oras (12 Hours) na operasyon sa anim na pantalan sa bansa.

Kasunod ito ng paglaki ng trade volume sa malalaking pantalan sa bansa kabilang na ang Manila, Batangas, Davao, Cebu, Cagayan De Oro, at Manila International Container Port.

Ang operasyon ng BOC ay nagsisimula na ngayon ng alas siete ng umaga (7:00 AM) hanggang alas siete ng gabi (7:00 PM).

Samantala, mananatili namang  24/7 ang operasyon ng BOC sa mga pantalan ng Subic, Clark at Limay.