MASANTOL, Pampanga (Eagle News) — Ilang linggo matapos ilunsad ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo ang kilusan na naglalayon na isulong ang ikapagtatagumpay ng lahat ng mga gawain ng INC, ay matagumpay na naisagawa ang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos sa lokal ng Masantol, Distrito Eklesiastiko ng Pampanga East.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga masisiglang Maytungkulin mula sa mga lokal ng Masantol, Palimpe, Bebe Matua, Macabebe at San Vicente na kapwa kabilang sa Distrito ng Pampanga East. Ang Pamamahayag ay nagsimula sa ganap na alas-otso ng gabi sa pangunguna ni Kapatid na Isagani Malaluan, Ministro ng Ebanghelyo sa INC.
Bunga ng mga gabi-gabing pagpapanata at mga pagmimisyon, hindi nga nabigo ang mga Maytungkulin at kapatid sa INC dahil halos umapaw ang Multi-purpose hall ng Masantol sa dami ng mga panauhing dumalo. Nasa humigit-kumulang na 500 bisita ang kanilang naanyayahan upang makinig ng mga Salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia.
Kitang-kita naman ang kasabikan sa bawat mukha ng mga naimbitahan ang paghahangad na makinig at lalo pang magsuri.
Ang isa sa mga naimbitahan na bisita ay ang malapit na kaibigan ni Kapatid na Manelyn Usi na nagpasyang ipagpatuloy pa ang ginagawa nitong mga pagsusuri.
Pagkatapos ng Pamamahayag ay marami ang nagpatala at nagpasyang ipagpatuloy ang gabi-gabing pakikinig ng mga Aral ng Diyos sa Kapilya o dako ng gawain ng Iglesia na malapit sa kanilang mga tahanan.
Nagpaabot naman ng taos sa pusong pagbati ang Destinadong Ministro sa lokal ng Masantol na si Kapatid na Arnel Paras, “Kami po ay lubos na nagagalak dahil sa patuloy na pakikipagkaisa ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa mga ganitong gawain lalong-lao na sa pagpapalaganap ng mga tunay na Aral ng Diyos na nakasulat sa Biblia, at lalo pa po naming isusulong ang ikapagtatagumpay ng mga gawain ng Iglesia.”
Photos are courtesy of Sis. Manelyn Usi