BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Kinilala ng Laguna Police Provincial Office ang Biñan City Police Station bilang Best Performing CAIDSOTG (Component City) para sa taong 2016. Ito ay dahil sa pagsusumikap, aktibong partipasyon at sa matagumpay na pagsasagawa ng Anti-illegal Drugs Operations patungkol sa Supply and Demand Reduction.
Ang nasabing parangal ay ipinagkaloob sa Binan City Police Station na pinangunahan ni Mayor Walfredo Reyes Dimaguila, Jr.. Isinagawa ito sa Laguna Police Provincial Office (LPPO) Brgy. Bagumbayan, Sta. Cruz, Laguna noong Lunes, January 23.
Lubos na nagpapasalamat ang alkalde sa mga Sangguniang Barangay, Barangay Officials, at iba’t ibang ahensya na Pamahalaang Panglungsod sa patuloy na suporta at pakikiisa nito sa kaniyang mga programa. pinasamatan din niya ang mga mamamayan ng lungsod dahil ang mga ito aniya ay maaasahan at mabisang katuwang sa lahat ng programa.
Jackie Palima at Willson Palima – EBC Correspondent, Biñan City, Laguna