Mas mahigpit na seguridad ipatutupad sa Boracay dahil sa ASEAN Summit

(Eagle News) — Asahan na ang mas mahigpit na seguridad na ipapatupad sa isla ng Boracay. Ito ay dahil sa tatlong ASEAN Summit Meetings na gagawin sa isla sa susunod na buwan.

Ang 23rd meeting ng ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights ay gagawin sa Pebrero 13 hanggang (15); habang ang Asean Ministerial Meeting Retreat Naman ay gagawin sa Pebrero 19-21; at ASEAN Committee On Migrant Workers Meeting sa Pebrero 20-22.

Ayon kay Aklan Police Provincial Office Superintendent Pedro Enriquez, daan-daang pulis ang ipapakalat para magbigay ng seguridad sa mga delegado mula sa mga ASEAN-Member Countries.

Mayroon ring units mula sa Armed Forces of the Philippines, Boracay Action Group at Force Multipliers ang ipapakalat para tumulong sa mga pulis.

Ito na ang ikatlong pagkakataon ng Pilipinas para mag-host ng ASEAN Summit.