Ilang magsasaka sa Ormoc City nakatanggap ng farming machinery

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Umaabot sa 22 magsasaka ang nakinabang sa ipinamahaging farming machinery na mula sa iba’t ibang Farmers Association ng Ormoc City. Ang pamamahagi ng nasabing kagamitan ay pinangunahan ni Ormoc City Mayor Richard I. Gomez. Dinaluhan din ito nina Councilor Tommy Serafica, officer-in-charge ng Committee on Agriculture, Councilor Vincent Rama, at mga taga-LGU Ormoc. Ang mga ipinamahaging gamit pangsaka ay tulad ng mga sumusunod;
  • 16 units na water pumps
  • 1 corn sheller
  • 1 unit corn planter
  • 2 units na hermitic cocoon.
Nagpaabot ng pasasalamat ang mga beneficiary sa Pamahalaang Lungsod dahil napakalaking tulong aniya sa kanila ang mga nasabing kagamitan upang lalong maging produktibo sila.
Samantala, ginarantiyahan naman ng Punong Lungsod na ang kaniyang administrasyon ay lalong susuporta sa industriya ng pagsasaka. Isa aniya ito sa kaniyang programa de gobyerno para matiyak ang food security ng lungsod lalo na sa patuloy na dumaraming populasyon sa lalawigan ng Ormoc.
Ang nasabing mga gamit ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagsisiskap ni Cong. Lucy T. Gomez at Department of Agriculture Region 8.

(Kimberly Urboda – EBC Correspondent, Ormoc City, Leyte)