MANILA, Philippines (Eagle News) — Bumaba ang bilang ng mga pamilyang nagsabi na sila ay biktima ng krimen.
Ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), bumulusok sa 4.9 percent, o 3.1 million na pamilya, ang nagsabi na sila ay common-crime victims sa huling bahagi ng 2016.
Bumaba rin sa 4.5 % ang property crime mula sa dating 6.4 % at average property crime sa 5.5 %mula 6.2 %.
Nanatili naman sa 0.7 % ang violent crime.
Ang survey ay isinagawa ng SWS noong Disyembre 3-6 sa 1,500 respondents sa buong bansa.
https://youtu.be/lBG0RQSAllI