DOE sa mga ahensya ng pamahalaan: “Pangunahan ang pagtitipid sa kuryente”

(Eagle News) — Nanawagan ang Department of Energy sa mga ahensya ng pamahalaan na pangunahan ang pagtitipid sa paggamit ng kuryente.

Ito ay dahil sa maintenance shutdown ng Malampaya Gas Fields na nagsu-suplay ng kuryente sa Luzon at Visayas grid.

Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi, kailangang maging role model sa pribadong kumpanya ang mga tanggapan ng gobyerno para sa seguridad sa kuryente.

Nanawagan din ang DOE sa mga may-ari nang mall na i-set ang kanilang cooling system sa 25 degree Celsius para na rin makatipid ng kurynete.

Nauna nang naglabas ng enegy saving tips ang DOE sa ginagamit na appliances.

https://youtu.be/lUAFOVu7_sU