P1,000 SSS pension hike, asahan sa loob ng 2 linggo

Asahan na ng mga miyembro ng Social Security System ang karagdagang P1,000.00 sa kanilang pensiyon sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay SSS Chairman Dean Amado Valdez, naantala ang pag-labas ng unang bahagi ng dagdag pensiyon dahil sa diskusyon kung kailangan ng executive order o memorandum of approval.

Nakahanda na rin ang lahat sa inaasahang atas mula sa Office of the President.

Ang ikalawang bahagi ng dagdag pensiyon ay ilalabas sa 2022 o mas maaga pa rito.