SOJ Aguirre sa mga pinalayang NDFP consultant: Bumalik ng PHL, harapin ang kaso sa Korte

MANILA, Philippines (Eagle News) — Dapat magpakita ng kagandahang loob ang rebeldeng grupong CPP-NPA at patunayan ang kanilang sinseridad sa kung ano ang napagkasunduan.

Ito ang sagot ni Justice Secretary Vitallano Aguirre II sa isyu ng pag-papaaresto sa mga NDF consultant na pansamantalang pinalaya upang dumalo sa peace talks sa pagitan ng rebeldeng grupo at ng gobyerno ng Pilipinas.

Pagliliwanag ng kalihim, conditional ang piyansa ng mga nakalayang consultant, at maituturing silang  wanted kung tapos na ang panahon ng kanilang pansamantalang kalayaan na hindi pa bumabalik sa kanilang kulungan.

https://youtu.be/n0OmIIJpo50